Home METRO ₱15.38-M tobats winasak sa Butuan

₱15.38-M tobats winasak sa Butuan

MANILA, Philippines – Sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang ₱15.38 milyon halaga ng ilegal na droga sa Butuan City noong Hunyo 26 upang maiwasan ang muling paggamit nito.

Kabilang sa sinunog ang 2,238 gramo ng shabu at 1,370 gramo ng marijuana na nasamsam sa mga operasyon sa Region XIII at kalapit na lugar.

Ang pagsira ay isinagawa sa Orgon Wood Industries sa Barangay San Vicente sa pamamagitan ng thermal decomposition, alinsunod sa kautusan ng korte matapos ang matagumpay na pag-usig sa mga kaugnay na kaso.

Ayon kay PDEA Director General Isagani Nerez, ipagpapatuloy nila ang agarang pagsira sa mga ebidensyang droga ayon sa utos ni Pangulong Marcos.

Noong Hunyo 25, pinangunahan ni Marcos ang pagsira ng mahigit ₱9.48 bilyong halaga ng droga sa Capas, Tarlac, kabilang ang ₱8.87 bilyong halaga ng shabu na natagpuan sa karagatan ng hilagang Luzon. RNT