Home NATIONWIDE ₱1M pinsala sa agrikultura naitala sa pag-alburuto ng Kanlaon

₱1M pinsala sa agrikultura naitala sa pag-alburuto ng Kanlaon

MANILA, Philippines – Umabot na sa halos ₱1 milyon ang pinsala sa agrikultura dulot ng pag-aalboroto ng Bulkang Kanlaon, ayon sa Office of the Provincial Agriculturist.

Mahigit 2,000 hayop ang apektado dahil wala silang makain at kailangan ding ilikas.

Nagbabala ang PHIVOLCS ng posibleng mapinsalang pagsabog at pagdaloy ng lava.

Huling naitala na nagbuga ang bulkan ng 2,000 toneladang abo sa loob ng mahigit apat na oras, na nagdulot ng ashfall sa ilang barangay sa Bago at La Carlota City sa Negros Occidental. Santi Celario