ILOILO CITY-ARESTADO ang isang tulak ng iligal na droga matapos makuhanan ng ₱2.1M halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad noong Biyernes sa lungsod na ito.
Nakakulong ngayon sa lock-up facility ng Carles Municipal Police Station ang suspek na kinilala lamang sa pangalan “JR” ng Estancia, Iloilo at isang high value individual.
Sa pinagsamang operasyon ng Carles Municipal Police Station, Iloilo Police Provincial Office (IPPO)-Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Provincial Intelligence Unit at 2nd Iloilo Police Provincial Mobile Force Company, nakuha sa suspek ang 315 gramo ng shabu na aabot sa halagang ₱2.1M at baril.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at election gun ban ang suspek./Mary Anne Sapico