MANILA, Philippines – Naglaan ang gobyerno ng halagang ₱2.39 bilyon para sa rehabilitasyon ng mga kagubatan sa 2023 national budget, ayon sa Department of Budget and Management (DBM) nitong Sabado.
Saklaw ng National Greening Program ang 13,565 ektaryang lupa, at sa ilalim ng bagong budget, maglalagay ng 7,249,642 seedlings habang i-ma-maintain ang 158,843 ektaryang lupa.
Nagsimula noong 2011, pinangungunahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang programang rehabilitasyon bilang bahagi ng pagsusulong ng matatag na pag-unlad para sa “pagbawas ng kahirapan, seguridad sa pagkain, pangangalaga sa biodiversity, katatagan ng kapaligiran, at pag-aangkop at pagbabawas ng epekto ng pagbabago ng klima.”
Sinabi rin ng DBM na inilaan ng gobyerno ang ₱464.5 bilyon para sa pag-address ng climate change. Ito ay 60.1% mas mataas kumpara sa ₱289.7 bilyong budget noong 2022. RNT