Home HOME BANNER STORY ₱2 pansamantalang taas-pasahe sa dyip, inihihirit

₱2 pansamantalang taas-pasahe sa dyip, inihihirit

MANILA, Philippines – Nanawagan ang isang transport group ng pansamantalang pagtaas sa pasahe sa jeep habang hinihintay ang desisyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa kanilang petisyon para sa dagdag-pasahe.

Iminungkahi ng Alliance of Transport Operators’ & Drivers’ Association of the Philippines (ALTODAP) ang ₱1 hanggang ₱2 pansamantalang dagdag, na ibabalik sa orihinal na pasahe kapag bumaba na ang presyo ng diesel.

Tatlong transport group naman ang humihiling ng ₱5 dagdag sa minimum na pasahe at ₱2 kada kilometro dahil sa pagkalugi ng kita ng mga drayber dulot ng tumataas na presyo ng diesel.

Samantala, binawi ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association (FEJODAP) ang kanilang kahalintulad na petisyon, ngunit muling maghahain kung tataas pa ang presyo ng langis.

May mga pasaherong tutol sa dagdag-pasahe, habang ang iba naman ay mas gusto ito kaysa gumastos ng mas mahal sa ibang transportasyon.

Inaasahang maglalabas ng desisyon ang LTFRB sa Abril matapos ang konsultasyon sa buong bansa. Kapag inaprubahan, sabay itong ipatutupad sa nakaambang pagtaas ng pamasahe sa LRT1 sa Abril 2. Santi Celario