PLANO ng state-run Philippine National Oil Company Exploration Corporation (PNOC-EC) na gumugol ng ₱2 billion para sa susunod na taon bilang paghahanda sa drilling activities sa Malampaya gas field.
Ang PNOC-EC, may tangan ng 10-percent minority stake sa Malampaya gas para palakasin ang proyekto, inihayag ang halaga sa Senate finance subcommittee deliberation hinggil sa panukala nitong ₱11.7-billion budget para sa 2024.
“Ongoing ang preparations for drilling [The preparations for drilling are ongoing] in 2025,” ayon kay PNOC EC President at CEO Franz Alvarez said.
“By 2025, we will drill two additional wells and hopefully… if successful po siya [if it is successful] by 2026, may production na po tayo, additional [we would have additional production],” dagdag na wika nito.
Sinabi pa ng PNOC-EC na nakikita nito ang pagtatapos ng commercial operations ng Malampaya sa loob ng apat na taon.
Nauna rito, sinabi ng Malampaya operator Prime Energy Resources Development sa Senate committee on energy hearing na aabot ng 5 hanggang 10 taon para i-develop ang bagong indigenous gas resources sa kaparehong service area ng Malampaya project sa Palawan.
Samantala, ipinanukala naman ni Senate committee on energy vice chairperson Sherwin Gatchalian ang importing liquefied natural gas (LNG) para i-stabilize o patatagin ang suplay.
Tinuran pa ng PNOC na naghahanap ito ng mga investors para sa third LNG terminal sa Bataan, para dagdagan ang dalawang umiiral na LNG terminal sa Batangas. Kris Jose