Home METRO ₱3.4M shabu nasamsam, mag-asawa arestado sa Maguindanao del Norte

₱3.4M shabu nasamsam, mag-asawa arestado sa Maguindanao del Norte

MAGUINDANAO DEL NORTE-UMABOT sa ₱3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa mag-asawang high value target sa isinagawang drug buy-bust operation noong Martes sa lalawigan ito.

Sa pinagsamang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, Philippine Army at Sultan Kudarat Municipal Police Station, nadakip sina Samera Osmeña at asawa nitong si Saidamin Samama Laguiamuda, ng Barangay Simuay Crossing, Sitio Abubakar, Sultan Kudarat.

Nakuha sa mga ito ang 11 pirasong pakete na naglalaman ng shabu na may bigat na higit sa 510 gramo, buy-bust money, 2 cellphones, baril at iba pa.

Nasa kustodiya ngayon ng PDEA-BARMM ang mag-asawa at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 at RA 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunition. Mary Anne Sapico

Previous articleBarangay captain na kumampi sa nang-abuso ng kasambahay, ginisa sa Senado
Next articleWanted sa pagpatay, delivery driver tiklo sa Caloocan