Home METRO ₱3.4M shabu nasamsam sa Sulu

₱3.4M shabu nasamsam sa Sulu

SULU- Nakumpiska ng mga awtoridad ang ₱3.4 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakadakip ng high value target, nitong Martes sa Panamao, Sulu.

Kinilala ni Philippine Drug Enforcement Agency in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-BARMM) Director Christian Frivaldo ang suspek na si Reximar Muhammad, 30, ng Barangay Danag, Patikul, Sulu.

Sa report ng PDEA-BARMM, bandang alas-4 ng hapon nang madakip ang suspek sa Barangay Seit Lake Poblacion, ng naturang bayan.

Nakuha sa suspek ang 500 gramo ng shabu, marked money at cellphone.

Samantala, sinalakay ng mga awtoridad ang isang drug den sa Barangay Rosary Heights 10, Cotabato City noong Lunes.

Nadakip ang tatlong suspek na kinilalang sina James Cuyrill Curayat, 31, drug den maintainer, at mga kasama nitong sina Wahid Panabal at Michael Igno.

Nakuha sa mga suspek ang pitong pirasong pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱34,000 at mga drug paraphernalia.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa illegal drugs ang mga suspek. Mary Anne Sapico

Previous articleIlang pamilihan sa Maynila ininspeksyon ng DTI
Next articlePCG nagpaalala sa mga lalahok sa Christmas convoy