Home METRO ₱340K shabu nasamsam, 2 suspek arestado

₱340K shabu nasamsam, 2 suspek arestado

TALISAY CITY, Cebu- UMABOT sa ₱340,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa dalawang suspek sa isinagawang buy bust operation nitong Linggo, Enero 28 sa lungsod na ito.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Mario Espinoza Salazar Jr., 34, taga-Arellano Blvd. Brgy. San Roque, tinagurian high value individual (HVI) at Emelito Padigos Sarino, 34, taga-Sityo Tunga, Brgy. Tangke, Talisay.

Sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng City Drugs Enforcement Unit – Talisay City Police Station, bandang 1:40 AM nang madakip ang mga suspek sa Sitio Salvador, Brgy. Tangke, ng naturang lungsod.

Nakuha sa mga suspek ang pinaniniwalaan shabu na may bigat na 50 gramo na nagkakahalaga ng ₱340,000 at isang 9mm revolver na may tatlong bala.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa illegal drugs ang mga suspek. Mary Anne Sapico

Previous articleAngelica, umiskor ng farm!
Next articlePBBM may payo sa mga doktor ni ex-PRRD