Home METRO ₱442,000 shabu nasamsam sa Camarines Sur

₱442,000 shabu nasamsam sa Camarines Sur

CAMARINES SUR- NASAMSAM ng mga awtoridad ang P442,000 halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation nitong Martes, Nobyembre 7 sa Iriga City.

Kinilala ni Lieutenant Colonel Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol-PNP, ang suspek sa pangalan “Totoy” sa Barangay San Agustin, Iriga City.

Batay sa report bandang 8:20 PM isinagawa ang operasyon laban sa suspek sa nasabing lugar at nakabili ang operatiba ng 65 gramo ng shabu at aabot sa halagang ₱442,000.

Sinabi ng pulisya na nasa listahan ng high-value individual sa lungsod ang suspek.

Kasalukuyang nakakulong sa Iriga City police station ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Mary Anne Sapico

Previous article‘Handa Pilipinas’ Visayas Leg inilunsad sa Tacloban
Next articleBLACKPINK Jennie, may Pamasko sa BLINKs?