Home NATIONWIDE ₱45.4-M puslit na yosi nasabat sa 3 araw na operasyon

₱45.4-M puslit na yosi nasabat sa 3 araw na operasyon

MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine National Police-CIDG, umabot sa ₱45.4 milyon ang halaga ng smuggled na sigarilyo na nasamsam sa ilalim ng operasyon na tinaguriang “Oplan Mega Shopper” noong Abril 22 hanggang 24, 2025.

Sakop ng operasyon ang mga lungsod ng Davao, Zamboanga, lalawigan ng Cagayan, at Bulacan, kung saan anim na indibidwal ang naaresto, kabilang ang isang Chinese national. Ang pinakamalaking kumpiskasyon ay naganap sa Bocaue, Bulacan, na umabot sa ₱40.2 milyon.

Nasamsam ang mga sumusunod:

>Davao City: 38 master cases ng Bros brand (₱1.2M); 2 ang naaresto.

>Zamboanga City: 70 master cases ng Bravo Original King (₱3.9M).

>Cagayan: 1,214 reams ng Two Moon at Modern (₱95,000); 1 ang naaresto.

>Bulacan: 682 master cases ng iba’t ibang brand (₱40.2M); 2 ang naaresto, kabilang ang isang Chinese national.

Binanggit ni CIDG Director Maj. Gen. Nicolas Torre III na layunin ng operasyon ang pagbuwag sa economic sabotage at ang proteksyon ng kalusugan ng mamamayan laban sa mga delikadong produkto.

Nanawagan rin siya sa publiko na i-report ang mga kahina-hinalang gawain sa kanilang komunidad. Santi Celario