Home METRO ₱500K pabuya alok sa pag-aresto sa pumatay sa tserman sa Davao

₱500K pabuya alok sa pag-aresto sa pumatay sa tserman sa Davao

PANABO CITY-NAG-ALOK ng ₱500,000 pabuya ang tanggapan ni Davao del Norte 2nd District Rep. Alan Dujali noong Miyerkules sa sinuman makapagturo o makahuli sa suspek na pumatay sa bagong nanalong barang chairman sa nasabing lungsod.

Matatandaan noong Martes tinambangan patay si Engr. Paul Albert Saquian, bagong halal na punong Barangay ng Datu Abdul Dadia sa naturang lungsod.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ng biktima ang kanyang sasakyan pauwi sa kanilang tahanan at pagapit sa Purok Mangga bigla na lamang siyang tambangan ng riding in tandem saka pinagbabaril sa iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

“Ang kulturang ito ng karahasan ay dapat itigil dahil wala itong puwang sa isang mapayapang lipunan tulad natin sa Panabo City. Dapat nating tuligsain ang anumang pag-atake sa buhay ng tao at tumayo nang sama-sama sa pakikipaglaban sa mga ayaw maghari ang kapayapaan sa Davao del Norte,” ani pa ng mambabatas.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa suspek para sa agaran ikadarakip./Mary Anne Sapico

Previous articleBebot ginilitan sa kaarawan
Next articleKanong sex offender hinarang ng BI sa NAIA