Home NATIONWIDE ₱50M lotto jackpots, mailap

₱50M lotto jackpots, mailap

Walang nanalo sa mga pangunahing jackpot ng lotto noong Huwebes, Mayo 8, 2025, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office.

Hindi nakuha ang ₱15,840,000 na premyo sa Superlotto 6/49 matapos walang makapagtama sa kombinasyong 31-02-20-48-47-28.

Ganun din, walang nanalo sa Lotto 6/42 kaya’t hindi nakuha ang jackpot na ₱34,708,834.80 matapos walang makapili ng tamang kumbinasyon na 15-39-21-40-16-27. RNT