BATANGAS- Umabot sa ₱5 milyon halaga ng mga ipinuslit na sigarilyo ang nakumpiska ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa dalawang suspek, kahapon sa bayan ng Lemery.
Ayon kay NBI Batangas chief Christopher Hernandez, nadakip ang dalawang suspek na hindi pinangalanan sa kanilang bahay sa nasabing bayan.
Nakuha sa mga suspek ang mga kahon-kahong pekeng sigarilyo na walang FDA markings o graphic warnings at wala ring BIR stamps at umabot ang mga ito sa halagang P5 milyon.
Sinabi pa ni Hernandez na ang kanilang mga nahuli ay wholesalers o bulto-bulto kung kumuha ng mga sigarilyo.
Dagdag pa nito, kadalasang mga probinsya ang target ng mga ahenteng nag-iikot sa mga sari-sari store.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9211 o Tobacco Regulation Act ang mga suspek. Mary Anne Sapico