Home METRO ₱6.8-M shabu nakumpiska sa Masbate

₱6.8-M shabu nakumpiska sa Masbate

CAWAYAN, Masbate –UMABOT sa P6.8 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa isinagawang buy bust operation na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek, kahapon sa bayang ito.

Kinilala ni Col. Malu Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office-Bicol (PRO-5) ang nadakip na suspek na si Edgar Adolfo, 43, ng Barangay Arado, Uson, Masbate.

Batay sa report ng Cawayan Municipal Police Station, isinagawa ang operasyon sa Barangay San Vicente, ng nasbaing lungsod.

Nakabili ang operatiba sa suspek ng isang pakete na naglalaman ng shabu at isang block vacuum-sealed transparent plastic eco bag na binalot ng packaging tape at may kabuuan bigat na 1.005 kilogram ng shabu na tinatayang aabot sa halagang P6.8M.

Nakakulong ngayon sa lock-up facility ng Cawayan Municipal Police Station ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 or the Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. /Mary Anne Sapico

Previous articleDaloy ng lava ng Mayon umabot na sa 2.5km
Next articleSen Robin Padilla may banat kay Drilon