Home METRO ₱680K shabu, baril nasabat sa 2 HVI sa P’que

₱680K shabu, baril nasabat sa 2 HVI sa P’que

Arestado sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Parañaque City police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang dalawang high-value individuals (HVIs) na nakumpiskahan ng ₱680,000 halaga ng shabu at baril Linggo ng hapon, Nobyembre 17.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) director Brigadier General Bernard R. Yang ang mga nadakip na suspects na sina alyas Tony, 52, at isang alyas Florentino, 47.

Sinabi ni Yang, sinimulan ang pagkakasa ng ng buy-bust operation ng mga tauhan ng SDEU bandang alas 12:10 ng tanghali at matagumpay na naisakatuparan ang operayon ng ala 1:29 ng hapon sa Lupang Pangarap, Barangay San Dionisio, Parañaque City.

Ang pagsasagawa ng operasyon ay bunsod sa natanggap na impormasyon ng mga operatiba tungkol sa ilegal na aktibidad ng mga suspects kung saan nakuha sa kanilang posesyon ang 25 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱170,000.

Ayon kay Yang, sa patuloy na pagsaliksik sa mga suspects ay narekober pa rin sa mga ito ang tatlong heat-sealed plastic sachets na naglalaman ng 75 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga naman ng ₱510,000 kung saan ang kabuuang illegal na droga na ankuha sa mga suspects ay umabot sa ₱680,000.

Bukod sa ilegal na droga na nakumpiska sa mga suspects ay nakuha din sa posesyon ng mga ito ang isang kalibre .45 pistola na may magazine na kargado ng limang bala at at ₱1,000 buy-bust money na ginamit sa operasyon na nakapaibabaw sa ₱29,000 boodle money at sling bag.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at Republic Act 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) ang mga suspects na kasalukuyang nasa custodial facility ng SDEU. (James I. Catapusan)