Home METRO ₱6M heroin, marijuana nasamsam sa Kabite

₱6M heroin, marijuana nasamsam sa Kabite

245
0

IMUS, Cavite- Mahigit ₱6 milyong halaga ng heroin at pinatuyong dahon ng marijuana ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isinagawang drug buy-bust operation na ikinadakip ng dalawang suspek noong Miyerkules sa lungsod na ito.

Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga nadakip na suspek na sina Enuka John Chukwuemeka at Christopher Nwabufo.

Sa pinagsamang operasyon ng PDEA, Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI), nadakip ang mga suspek bandang alas-4:05 ng hapon sa entrance ng isang mall sa Tanzang Luma 5 ng nabanggit na lungsod.

Nakuha sa mga suspek ang nasa 40 gramo ng heroin na nagkakahalaga ng ₱240,000,00 na kanilang ibebenta at isang kilo ng heroin na may halagang ₱6,000,000, 15 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng ₱1,800, dalawang cellular phones, isang identification card at ₱1,000 na nakapatong sa itaas ng mga ginupit na papel na siyang ginamit na marked money na may kabuuang halaga na ₱6.24 milyon.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Section 5 in relation to Section 26 paragraph B (Attempt or Conspiracy to Sell Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II of Republic Act (RA) 9165 o “The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002’’ ang dalawang suspek. Mary Anne Sapico

Previous articlePH-Singapore ties yayabong pa – PBBM
Next articleMr. M, natulala kay Stell!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here