MANILA, Philippines – INAPRUBAHAN ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board ang halos ₱71 bilyong halaga ng proyekto sa isinagawang 25th meeting sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Miyerkules, Marso 19.
Si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang chairman ng NEDA Board.
Ang pinakamalaking inaprubahang proyekto ay ang ₱56.7-billion Philippine Community Resilience Project (PCRP), naglalayong paghusayin ang disaster preparedness at palakasin ang katatagan sa ‘most vulnerable areas’ sa bansa.
Sa kabilang dako, sinabi ng NEDA na ang proyekto, pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), mapakikinabangan ng mahigit sa apat na milyong pamilya sa iba’t ibang 500 munisipalidad sa pamamagitan ng pagpapahusay sa community planning capacities at bigyan ng access sa ‘resilient investments’ para sa mga mahahalagang lokal na proyekto.
Suportado ng World Bank, ang Panahon ng Pagkilos: napagtagumpayan ng PCRP ang Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS) National Community-Driven Development Program ng DSWD.
“The project targets areas with high poverty incidence, severe climatic hazards, stunting rates, and significant indigenous populations,” ang sinabi ng NEDA.
Nakatuon ang proyekto sa community-led initiatives, pinahintulutan ang local areas na magdisenyo at gumawa ng solusyon para tugunan ang kanilang partikular na pangangailangan “while enhancing the communities’ ability to withstand and recover from economic shocks, especially natural disasters.”
Maliban sa PCRP, nagbigay din ng go signal ang NEDA Board sa konstruksyon ng ₱13.9-billion Tumauini River Multipurpose Project ng National Irrigation Administration’s (NIA) sa Isabela.
Layon ng proyekto na patubigan ang 8,200 hectares (ha) sa 26 barangay sa Tumauini, tatlo sa Cabagan, at tatlo sa Lungsod ng Ilagan.
Nakatakda namang isagawa mula September 2025 hanggang September 2030, naglalayon na “to boost the productivity and income of 5,860 farmers, supporting the government’s goal of increasing rice production and ensuring food security.”
Samantala, inaprubahan din ang mga pagbabago sa ‘scope, cost, at timeline’ ng Balog-Balog Multipurpose Project Phase II. Kabilang dito ang gusali ng 105.5-meter-high dam at reservoir sa Zambales mountains para patubigan ang halos 22,000 ha ng bagong lupang sakahan at patatagin ang irigasyon para sa mahigit na 12,000 ha na saklaw ng first phase nito.
“This is expected to improve farm household income, contribute to the country’s food security, and promote the use of renewable energy resources for a cleaner environment in the area,” ang sinabi ng NEDA.
Ang pagbabago sa scope at sa reallocation ng loan funds para sa ‘Improving Growth Corridors’ sa Mindanao Road Sector Project ay inaprubahan din.
Idagdag pa rito, nag-update naman ang Public-Private Partnership (PPP) Center sa NEDA Board ukol sa progreso ng mga proyekto.
Sa kasalukuyan, may 224 proyekto ang nasa ilaim ng implementasyon, kabilang na ang Ninoy Aquino International Airport, Bulacan International Airport, Laguindingan and Bohol International Airports, at Metro Rail Transit (MRT) Line 7.
Mayroon namang 175 proyekto ang nasa pipeline, gaya ng Iloilo International Airport, Boracay Bridge Project, at ang PPP for School Infrastructure Project (Phase 3). Kris Jose