Home METRO ₱8M shabu, nasabat sa Pampanga

₱8M shabu, nasabat sa Pampanga

PAMPANGA – Tinatayang aabot sa mahigit P8M halaga ng illegal na droga o shabu ang naharang o nasabat sa UPS Freeport Zone, Clarkfield, Pampanga.

Ayon kay PDEG OIC PCol. Rolando Cuya ng Pampanga Police Office ay nagkasa ng interdiction operation ang mga operatiba kung saan nasabat ang 1,282 gramo ng shabu na mayroong estimated Standard Drug Price na ₱8,717,600.00

Agad dinala ang mga kontrabandong shabu sa PDEA Laboratory Service para sa laboratory analysis/examination.

Sa ngayon ay patuloy ang operasyon ng mga otoridad upang maaresto ang mga nasa likod ng nasabing illegal shipment na sina alias Jerry at ang consignee na si alias Alex ng Cavite para panagutin sa batas na may kinalaman sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Rey Velasco