Isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Cordillera at lokal na pulisya ang matagumpay na dalawang araw na operasyon ng pagbunot at pagwasak ng marijuana noong Hunyo 24–25, 2025 sa Brgy. Loccong, Tinglayan, Kalinga.
Tinatayang ₱9.6 milyon na halaga ng marijuana ang winasak, kabilang ang 30,000 fully grown na tanim at 30 kilo ng tuyong dahon at tangkay sa lupang may sukat na 3,000 metro kuwadrado. Sinunog lahat ng droga sa mismong lugar.
Wala namang naarestong suspek sa nasabing operasyon. RNT