Home METRO ₱98.46B badyet para sa 2024 inihain ng BARMM

₱98.46B badyet para sa 2024 inihain ng BARMM

BARMM- Nagsumite ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ng ₱98.46-bilyong proposed budget para sa taon 2024, na target na mapabuti ang edukasyon, imprastraktura, at kalusugan sa rehiyon.

Sa ginanap na seremonya noong Martes, ibinigay ni BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim ang panukalang 2024 Bangsamoro Expenditure Program (BEP) kay Bangsamoro Parliament Speaker Pangalian Balindong.

“Pagkatapos ng mga siglo ng pakikibaka para sa sariling pagpapasya, ang Bangsamoro ay kinikilala na ngayon bilang isang autonomous entity na naglilinang ng mga binhi ng Jihad na minsan ay naitanim sa ating mga puso,” ani Ebrahim.

Ang 2024 BEP ay mas mataas kaysa sa ₱85.3 bilyong BEP para sa 2023.

Ayon kay Minister of Finance, Budget, and Management Ubaida Pacasem, ang iminungkahing badyet ay magsasama ng ₱70.5 bilyon mula sa Annual Block Grant na itinatadhana sa 2024 National Expenditure Program; ₱5.08 bilyon mula sa mga bahagi sa pambansang buwis na nakolekta sa loob ng BARMM gaya ng itinatadhana sa NEP; ₱5 bilyon para sa Special Development Fund; ₱471 milyon mula sa inaasahang buwis sa rehiyon; at ₱17.3 bilyon mula sa idineklarang savings mula sa mga nakaraang taon.

Samantala, ang nangungunang 10 ministry at tanggapan sa BARMM na may pinakamaraming panukalang badyet para sa 2024 ay ang mga sumusunod:

  • Ministry of Basic, Higher, and Technical Education: ₱30,231,210,027

  • Ministry of Public Works: ₱17,614,054,140

  • Ministry of Health: ₱6,657,091,430

  • Ministry of Social Services and Development: ₱3,702,389,285

  • Tanggapan ng Punong Ministro: ₱3,483,118,344

  • Bangsamoro Transition Authority: ₱3,112,866,028

  • Ministry of Interior and Local Government ₱2,279,893,235

  • Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform: ₱1,882,041,274

  • Ministry of Human Settlements and Development: ₱1,132,845,944

  • Ministri ng Kapaligiran, Likas na Yaman, at Enerhiya: ₱834,206,301. Mary Anne Sapico

Previous articleTumatakbong barangay kagawad kritikal sa araro ng sasakyan, 6 sugatan
Next articleCurfew pinairal sa Kabite bago mag-halalan; ilang residente umalma