Home METRO ₱50M puslit na sigarilyo nasabat sa GenSan, Batangas

₱50M puslit na sigarilyo nasabat sa GenSan, Batangas

GENERAL SANTOS CITY-UMABOT sa ₱50M halaga na kontrabando ng sigarilyo ang nasabat ng mga awtoridad sa General Santos City at Batangas, noong Sabado .

Sa pinagsamang operasyon ng Bureau of Customs and General Santos City sub-port, nasamsam ang ₱9.1M halaga ng illigal na sigarilyo sa 3 van sa Barangay Bawing, ng nasabing lungsod.

Naharang ng mga awtoridad ang 3 van at nakumpiska ang 17,000 kahon ng “Fort” na sigarilyo.

Sa Batangas, sa isinagawang operasyon ng pinagsamang pwersa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Philippine National Police sa Barangay Cayponse, Balayan, nakuha ang ₱40.2M halaga ng iligal na sigarilyo.

Sinabi ng BIR na hindi nakarehistro ang mga nasama na sigarilyo na may mga brand na New Orleans Black, New Orleans Red, at H&P.

Dagdag pa ng BIR na ang naturang mga sigarilyo ay tamang tax stamps at graphic health warnings na siyang ipinag-uutos sa legal at binabayarang buwis na mga sigarilyo.

May kabuuan 1,500 na tindahan at establisyemento ang sinalakay ng BIR at 69 illegal tobacco traders ang sinampahan ng tax evasion na nagkakahalaga ng ₱1.8 bilyon, ngayong taon.

Dagdag pa ng BIR na halos ₱50 bilyon hanggang ₱100 bilyon bawat taon ang nawawala sa mga excise tax revenues mula sa illegal traders tobacco./Mary Anne Sapico