Home NATIONWIDE 1.3M tsuper, operators tatanggap ng fuel subsidy

1.3M tsuper, operators tatanggap ng fuel subsidy

282
0
Photo from MANIBELA FB Page

MANILA, Philippines – Nasa 1.3 milyon na public transport drivers at operators ang makatatanggap ng fuel subsidies mula sa pamahalaan upang maibsan ang epekto ng tumataas na presyo ng gasolina at diesel, sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Huwebes, Agosto 10.

Ang sudsidiya ay ibibigay sa mga drayber at operator ng public utility jeepneys, buses, taxis, shuttle services, school services, tourist services, transport network vehicles, tricycles, at maging delivery riders, pagbabahagi pa ni LTFRB Executive Director Robert Peig.

Malaking bahagi ng mga subsidiya ay mapupunta sa mga tricycle driver sa buong bansa.

Sinabi naman ng Department of Transportation (DOTr) na naghihintay na lamang ito sa Department of Budget and Management na ilabas ang pondo, na inaasahang mangyayari bago matapos ang Agosto.

Ayon kay Peig, ang breakdown ng fuel subsidies ay ang sumusunod:

Modern Jeepney: P10,000
Modern UV Express: P10,000
Traditional Jeepney: P6,500
School/Shuttle/Tourist Service/TNVS: P6,500
Delivery Rider: P1,200
Tricycle Driver: P1,000

Matatanggap ng mga tsuper na nasa patnubay ng LTFRB ang subsidiya sa pamamagitan ng fuel cards, habang ang nasa ilalim naman ng local government units, Department of Information and Communications Technology, at Department of Trade and Industry ay makatatanggap ng fuel subsidies sa pamamagitan ng e-wallets.

Ani Peig, bagama’t pinapangalanan ng LTFRB ang mga franchise holder, dapat pa rin nila itong ibigay sa mga drayber dahil sila ang nagbabayad ng gasolina.

Hinimok naman ng LTFRB ang mga drayber na magkakaroon ng isyu patungkol sa fuel card na maghain ng reklamo laban sa mga operator nilang tatanggi na ibigay sa kanila ang mga card. RNT/JGC

Previous articleDefense chief nagsimula nang umikot sa EDCA sites
Next articleMayor Tiangco nakiramay sa pamilya ng napaslang na binatilyo sa Navotas

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here