INAASAHAN na ng gobyerno na lalago ang suplay ng bigas sa 1.4 million metric tons (MT) ngayong buwan.
May ilan na kasing mga magsasaka ang nagsisimulang mag-ani ngayon.
Ayon kay Bureau of Plant Industry (BPI) Director Gerald Glenn Panganiban, may ilang magsasaka ang mas pinili na mag-ani ngayon at mayroong sapat na suplay ang kayang i-cater ang local demand.
“Actually may mga nag-early harvest na rin po and we are expecting mga 1.3 or 1.4 million metric tons this month,” ayon kay Panganiban sa isang panayam.
“Hanggang October po, ganon din po ang ating projection so yes naman po, sapat naman po ang ating supply and ‘yun nga po, dahil po pwede rin po siyang i-complement ng ating mga importation, open naman po ‘yung importations natin,”dagdag na wika nito.
Makikita sa pinakabagong data mula sa Department of Agriculture (DA) na ang presyo ng local commercial rice sa mga pamilihan sa Kalakhang Maynila ay mula P40.00 hanggang 66.00 per kilogram, habang ang imported commercial rice ay mula naman sa P45.00 hanggang P60.00 per kilogram, depende sa uri.
Sa kamakailan lamang na report ng United States Department of Agriculture (USDA), may pagtataya na “the Philippines importing 3.8 million MT of rice for the trade year 2023-2024, surpassing China’s 3.5 million MT.”
Sa kahalintulad na report, ang Pilipinas ay pumuwesto sa sixth top rice consumer, na may projected consumption na 16.4 million MT. Ang top consumers ay China na may 152 million MT, at India na may 115.5 million MT.
“Ang ating global situation, hindi naman natin ‘yan kontrolado. That’s why ang focus ng ating government is really to increase our local production,” ani Panganiban.
Tinuran pa ni Panganiban na layon ng pamahalaan na tulungan ang mga lokal na magsasaka, magbigay ng ‘seeds at fertilizers,’ palakasin ang mechanization, itaas ang farm hectarage, at paghusyain ang irigasyon sa iba’t ibang bansa. Kris Jose