Home NATIONWIDE 1.5K pulis ipakakalat sa pagdiriwang ng Chinese New Year

1.5K pulis ipakakalat sa pagdiriwang ng Chinese New Year

MANILA, Philippines- Halos 1,500 police personnel ang magbabantay sa Chinese New Year celebrations, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Martes.

Sinabi ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. na epektibo ang deployment ng mga pulis hanggang Feb. 15.

“I am giving the directive to our police personnel to provide the appropriate security measures para hindi naman magkagulo and this will be done specifically in some areas where there a lot of Chinese, especially in Chinatown kailangan mabantayan yan and we have deployed a total of 1,457 on separate dates and several locations,” ani Acorda.

Kabilang dito ang 92 commissioned officers at 1,365 noncommissioned officers na ipakakalat upang tiyakin ang seguridad sa concerts sa Lucky Chinatown Mall at sa fireworks display sa Binondo-Intramuros Bridge sa Biyernes ng gabi, maging ang Solidarity Parade sa Sabado.

Magpapatrolya rin ang mga awtoridad sa mga lugar sa Binondo tulad ng Ongpin St., kung saan inaasahang daragdain ng mga bisita ang mga restaurant at tindahan ng lucky charms at iba pang bilihin.

Halos 208 police officers ang itatalaga sa checkpoints sa iba’t ibang bahagi ng Manila simula sa Huwebes.

Oktubre noong nakaraang taon, idineklara ng Malacañang ang Feb. 10, 2024 bilang special non-working day sa buong bansa para sa pagdiriwang ng Chinese New Year.

Noong nakaraang buwan, idineklara rin nito ang Feb. 9 bilang karagdagang special non-working day upang ipagdiwang ang okasyon. RNT/SA

Previous articlePagkakaisa panawagan ng grupong apektado ng bangayan ng mga politiko
Next articleDyip nawalan ng preno, 34 sugatan!