Home METRO 1.7M pasahero inaasahang daragsa sa PITX sa Semana Santa

1.7M pasahero inaasahang daragsa sa PITX sa Semana Santa

MANILA, Philippines – Nasa 1.7 milyong pasahero ang inaasahang daragsa sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ngayong Semana Santa.

Biyernes ng umaga pa lamang ay may mga nagtutungo na sa terminal para umuwi ng kanilang mga probinsya.

Ani PITX Head of Corporate Affairs and Government Relations Jason Salvador, inaasahan ang bugso ng mga pasahero sa sakayan mula Miyerkules Santo hanggang Huwebes Santo.

Para masiguro naman na may sapat na bus para sa mga pasahero, nag-isyu ng mahigit 1,000 special permits ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

“The good thing is during the holy week they will assign LTFRB personnel right there at PITX to issue (more) special permits as needed,” ani Salvador.

Nakikipag-ugnayan ang PITX sa traffic authorities para sa mabilis na usad ng mga bus.

“Sa pagpupulong natin with DOTr (Department of Transportation), specifically minention natin ito, tsaka sa mga LGU (local government units) na dadaanan going towards the provinces, na kung pwede, tulungan tayo sa pagma-man ng trapiko upang sa ganun ay mas mapabilis at hindi mabarang yung mga pampublikong sasakyan going out and in of Metro Manila,” dagdag ni Salvador.

Hinimok niya ang publiko na magsuot pa rin ng face mask kapag bumibiyahe lalo na sa banta ng pertussis o whooping cough.

“While we are no longer in a pandemic, mas maganda siguro kung maging proactive tayo sa ating kalusugan sa pamamagitan ng pagsusuot ng mask while inside a public utility vehicle. Imagine kung ilang oras ka dyan, nasa confined space, air conditioned, di ba? halo-halo na dyan,” aniya. RNT/JGC

Previous articleTeves sisiguruhing ligtas ng pamahalaan – DOJ
Next articleMas mahigpit na polisiya ipatutupad kasunod ng isyu sa Chocolate Hills resort