MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine Carabao Center (PCC) nitong Miyerkules, Setyembre 27, na aabot sa 1,800 magsasaka ang nakinabang mula sa Accelerating Livelihood and Assets Buildup (ALAB) Karbawan project.
Ang ALAB Karbawan project ay umbrella name para sa dalawa pang ibang programa nito, ang
Carabao-based Business Improvement Network (CBIN) at Coconut-Carabao Development Project (CCDN), na inilunsad at pinondohan ng Office of the Senate Committee on Agriculture, Food, and Agrarian Reform.
Sinabi rin ng PCC na nasa kabuuang 3,995 na kalabaw ang naipamigay sa 1,800 benepisyaryo mula 2019.
“In June 2023, a dairy population survey conducted by the Philippine Statistics Authority (PSA) reported a remarkable 10.1% increase in the dairy carabao population, now estimated at 30,151, representing 32.1% of the total 93,930 dairy animals in the country,” sinabi ng PCC.
Lumago rin sa 37 na lugar ang Dairy Box processing at marketing infrastructure, na humahawak sa promotion at distribusyon ng dairy products.
Mayroon ding 42 iba pang target para sa konstruksyon. RNT/JGC