Home NATIONWIDE 1.9M MT bigas inaasahang maaani ngayong Oktubre

1.9M MT bigas inaasahang maaani ngayong Oktubre

MANILA, Philippines- Inaasahang makaaani ang Pilipinas ng 1.9 million metric tons (MMT) ng bigas ngayong Oktubre, na magpapaataas supply ng primary staple sa bansa, ayon sa opisyal ng Department of Agriculture-Bureau of Plant Industry (DA-BPI).

Sa Malacanang briefing nitong Martes, tiniyak ni DA-BPI Director Gerald Glenn Panganiban sa publiko na may sapat na suplay ng bigas ang bansa sa pagsisimula ng harvest season ng bigas.

“For October, we are expecting almost 1.9 million metric tons of rice for this month so that will jump our days to last or our supply of rice to 74 days,” pahayag niya.

“It increased from 52 [days] last September because we are expecting more bumper harvest for the coming October and November, the public can expect that we will have a stable supply of our main staple,” patuloy ng opisyal.

Samantala, sinabi ni Panganiban na nakasalalay ang desisyon sa pagkalos ng P41 hanggang P45 rice price cap kay Pangulong Marcos, kasalukuyang pinuno ng agriculture department.

“From our parameters naman ay mukhang ready na. But of course, it’s all upon the President to decide on in,” aniya.

Nauna nang sinabi ng DA na posibleng umabot ang rice price cap na pinaiiral ng pamahalaan hanggang Oktubre kung hindi bababa ang retail price ng bigas sa P38 kada kilo.

Pinairal ang P41 price cap para sa regular milled rice at P45 para sa well-milled rice noong Sept. 5, sa pamamagitan ng Executive Order No. 39.

Samantala, wala namang nabanggit ukol sa bagong Agriculture Secretary sa sectoral meeting na pinangasiwaan ni Pangulong Marcos.

Ani Panganiban, hindi niya ito makukumpirma nang tanungin sa Palace briefing kung natalakay ang pagpili sa bagong DA chief sa nasabing pulong.

“Wala po akong makukumpirma sa inyo. Hopefully not dahil ang ating Presidente I think he’s doing a great job at the helm of the department,” giit ni Panganiban.

“And yung mga problema natin sa Department of Agriculture ay talagang hinaharap ng ating Pangulo and I think that’s his difference from his predecessors. And him being in the helm, nandiyan lahat, integrate lahat ng efforts ng government,” ayon sa opisyal.

“With the President there, and the support we’re receiving from the Department of Agriculture, I think he is doing a great job,” dagdag niya.

Pinangunahan ni Marcos ang weekly sectoral meeting sa Malacañang upang talakayin ang mungkahing kalusin ang price ceiling sa bigas sa bansa. RNT/SA

Previous article₱1 provisional jeepney fare hike aprub na sa LTFRB
Next articleRisa umaasa sa pagkamit ng hustisya para kay Percy Lapid