Home METRO 1 CAFGU, 2 sundalo patay sa kasamahan; suspek nagbaril sa sarili

1 CAFGU, 2 sundalo patay sa kasamahan; suspek nagbaril sa sarili

IFUGAO- PATAY ang tatlong sundalo matapos pagbabarilin ng kanilang kasamahan saka naman nagpakamatay ang suspek sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili matapos umanong magtalo sa kanilang duty, nitong Lunes, Nobyembre 20 sa bayan ng Banaue.

Kinilala ang mga nasawi na sina Staff Sergeant Andrew Dulnuan, Civilian Active Auxiliary (CAA) Alfone Maguiwe, CAA Sanny Bumad-ang, at CAA Jebilie Banghuyao, lahat ay nakatalaga sa kampo sa Barangay Viewpoint ng naturang bayan.

Ayon kay Police Major Richard Ananayo, hepe ng Banaue Police Station, nag-iinuman ang apat sa loob ng kanilang kampo ng maungkat ang usapin sa duty ng tatlong CAA.

Nauwi sa mainitang pagtatalo ang usapin at ayaw paawat ni Banghuyao kaya sinabihan ito ni Dulnuan na kinabukasan na lamang nila pag-usapan para malinaw at hindi sila nakainom.

Nagalit si Banghuyao at kinuha nito ang M16 Armalite rifle saka pinagbabaril ang tatlong kasamahan saka nagbaril din umano sa sarili na naging sanhi ng kanilang agarang kamatayan.

Habang sinusulat ang ulat na ito ay wala pang pahayag ang Armed Forces of Philippines (AFP) kaugnay nito. Mary Anne Sapico

Previous articleAbalos nangako ng hustisya sa estudyanteng binaril ng manliligaw sa Cagayan
Next articleKanseladong flights ngayong Martes, Nobyembre 21, 2023