Home HOME BANNER STORY 1 lindol, 177 rockfall naitala sa Mayon Volcano

1 lindol, 177 rockfall naitala sa Mayon Volcano

MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ngayong Linggo ng isang volcanic earthquake at 177 rockfall events sa Mayon Volcano sa nakalipas na 24 na oras habang ito ay ipinanatili sa Alert Level 3.

Naglabas din ito ng katamtamang dami ng mga abo na hinangin pa-silangan.

Noong Sabado, nakapagbuga rin ito ng 1,205 tonelada ng sulfur dioxide.

Sinabi ng resident volcanologist ng Mayon Volcano Observatory na si Dr. Paul Alanis na batay sa mga makasaysayang pagsabog ng Mayon, maaaring magpatuloy ang kasalukuyang galaw nito sa loob ng ilang araw.

Pinaalalahanan pa rin ng PHIVOLCS ang publiko na hindi pinapayagan ang pagpasok sa anim na kilometrong radius ng Permanent Danger Zone ng Mayon Volcano.

Ipinagbabawal din ang paglipad ng anumang sasakyang panghimpapawid na malapit sa bulkan.

Ang mga panganib tulad ng rockfalls, landslides, avalanches, ballistic fragment, lava flows at lava fountaining, pyroclastic density currents, moderate-sized na pagsabog, at lahar sa panahon ng malakas at matagal na pag-ulan. RNT

Previous articleAngkas sinita sa pag-normalize ng incest, kalaswaan sa advertisment
Next articleTaal, Kanlaon patuloy sa pagligalig!