PANGASINAN – Patay ang driver ng kulay pulang Suzuki Raider 150 motorcycle matapos itong bumangga sa nakasalubong na Suzuki Smash motorcycle sa Brgy. Panganiban, Tayug ng lalawigang ito kahapon, Mayo 22.
Kinilala ng Tayug Municipal Police Station ang driver ng Suzuki Raider na si Kyle Tejada Dacanay, 21, walang asawa, college student, residente ng Brgy. Saleng ng naturang bayan.
Nakilala naman ang driver ng kulay itim na Suzuki Smash na si Warlito Garcia Miniano, 43, may asawa, residente ng Brgy. Lagasit, San Quintin, Pangasinan.
Advertisement