Home METRO 1 patay, 2 sugatan sa aksidente sa Skyway

1 patay, 2 sugatan sa aksidente sa Skyway

591
0

MANILA, Philippines – Sinalpok ng isang trak ang isang nakaparadang L-300 delivery van na nasiraan ng makina sa Skyway Stage 3 sa bahagi ng Sta. Mesa, Maynila nitong Martes.

Sa insidente, Isa ang nasawi habang dalawa pa ang sugatan nang matumbok ng nasabing trak.

Kahapon, nag-viral sa social media ang video ng pangyayari kung saan makikita na pinatatabi ng isang tauhan ng Skyway Patrol ang L-300 van habang nagkakabit naman ng safety cordon ang isang lalaki at nagtutulak naman ang isa pang lalaki.

Bigla namang sumulpot ang humaharurot na trak na binundol
Dito biglang sumulpot ang huRe: 1 patay, 2 sugatan sa aksidente sa Skyway

Isa ang nasawi habang dalawa ang sugatan makaraang mabundol ng isang trak ang isang nakaparadang L-300 delivery van na nasiraan ng makina sa Skyway Stage 3 sa bahagi ng Sta. Mesa, Maynila nitong nakaraang Martes.

Nag-viral kahapon sa social media ang video ng insidente kung saan makikita na pinatatabi ng isang tauhan ng Skyway Patrol ang L300 van habang nagkakabit ang isang lalaki ng safety cordon at isang lalaki naman ang nagtutulak.

Dito biglang sumulpot ang humaharurot na trak at sumalpok sa van dahilan.

Sa video, makikita rin ang pagtalsik ng mga biktima.

Ayon sa PNP-Highway Patrol Group na nakatalaga sa SLEX Office, nasawi na ang lalaking nakitang nagtutulak ng van habang sugatan ang miyembro ng Skyway Patrol at ang isa pang lalaki.

Ayon sa drayber ng trak, hindi niya agad nakita ang van dahil nakapwesto sa pakurbadang bahagi ng Skyway ang van.

Sinampahan na ang tsuper ng trak ng kasong reckless imprudence resulting to homicide with multiple physical injuries and damage to properties. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleTaas-sahod sa Calabarzon inaprubahan!
Next articleNotoryus na smuggler, hoarders, dapat unahin sa economic sabotage law – solon

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here