MANILA, Philippines – Iniulat ng awtoridad ngayong Lunes ang pagkasawi ng isang indibidwal dahil sa hagupit ng bagyong Dodong.
Ayon sa pinakahuling ulat mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), patuloy pa ring bini-validate ng ahensya ang impormasyon tungkol sa nasawi.
Samantala, walang naiulat na nasugatan o nawawalang indibidwal.
Hindi bababa sa 9,223 pamilya, o mahigit 26,000 katao, sa Ilocos, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, at Western Visayas ang naapektuhan ni Dodong.
Ang bagyo ay nagsimulang magdala ng mga pag-ulan sa Luzon noong nakaraang linggo, na nag-udyok sa pagtaas ng Tropical Cyclone Wind Signals. RNT