Home METRO 1 patay sa pagsalpok ng van sa trak sa Roxas Boulevard

1 patay sa pagsalpok ng van sa trak sa Roxas Boulevard

MANILA, Philippines – Patay ang pasahero ng isang van matapos na sumalpok ang sinasakyan nila sa nakahintong trak sa Roxas Boulevard, Paranaque City nitong Huwebes ng madaling araw, Disyembre 28.

Ayon sa pulisya, nakatigil ang trak sa kalsada na unang nakasagi ng motorsiklo, saka naman sinalpok ng van.

“Initial nito, ‘yung trailer at motorsiklo, nagpandikit. Upon ite-turnover sa traffic bureau, itong L300 approaching, bumangga naman sa likuran ng trailer truck,” pagbabahagi ni PMSG Michael Loneza, traffic investigator.

Sa lakas ng pagkakasalpok, nayupi ang harapan ng van at naipit ang drayber nito na kinilalang si Ronaldo Masinas.

“Paggising ko, nabangga na kami. Biglang naipit e tapos ako hindi rin ako makalabas dahil naipit din ako. Syempre masakit dahil nag-iisang anak ko ‘yan,” sinabi ni Nora Ringais, nanay ng drayber na nakaupo naman sa passenger seat ng van.

Ligtas ang apo nito na nakaupo rin sa likod ng van, ngunit sa kasamaang-palad ay binawian ng buhay ang isa pang pasahero na sinasabing kapitbahay at nakisabay lang sa pagpunta nila sa Divisoria.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang insidente. RNT/JGC

Previous articleCOVID positivity rate sa NCR bahagyang tumaas – OCTA
Next articleDrayber na-trap ng 6 na araw sa naaksidenteng trak