MANILA, Philippines- Isa ang naiulat na nasawi matapos magliyab ang mga kabahayan sa ilalim ng flyover sa Barangay Balumbato, Quezon City nitong Miyerkules ng umaga.
Mga larawan kuha ni Danny Querubin
Inihayag ng Bureau of Fire Protection na itinaas ang sunog sa Camachile sa first alarm kaninang alas-4:20 ng umaga.
Iniakyat naman ito sa second alarm dakong alas-4:24 ng umaga at sa third alarm pagsapit ng alas-4:46 ng umaga.
Advertisement
Advertisement