Home METRO 1 patay sa sunog sa ilalim ng QC flyover

1 patay sa sunog sa ilalim ng QC flyover

MANILA, Philippines- Isa ang naiulat na nasawi matapos magliyab ang mga kabahayan sa ilalim ng flyover sa Barangay Balumbato, Quezon City nitong Miyerkules ng umaga.

Mga larawan kuha ni Danny Querubin

Inihayag ng Bureau of Fire Protection na itinaas ang sunog sa Camachile sa first alarm kaninang alas-4:20 ng umaga.

Iniakyat naman ito sa second alarm dakong alas-4:24 ng umaga at sa third alarm pagsapit ng alas-4:46 ng umaga.

Umabot pa ito sa fourth alarm bandang alas-5:10 ng umaga.

Naapula ng mga bumbero ang apoy pagsapit ng  alas-8:08 ng umaga.

Hindi pa tinukoy ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima, pinsala sa mga ari-arian, at mitsa ng apoy. RNT/SA

Previous articleUPDATE: Desisyong pagreretiro ni LeBron inaabangan ng Lakers
Next articleDigong iminungkahi na gawing anti-drug czar

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here