Israeli tanks and militiary vehicles amass at the Israeli side of the Gaza border, as violence around the nearby Gaza Strip mounts following a mass-rampage by armed Palestinian infiltrators, October 9, 2023. REUTERS/Amir Cohen
MANILA, Philippines – Isang Filipino ang iniulat na dinukot habang lima iba pa ang iniulat na nawawala kasabay ng nagpapatuloy na gulo sa pagitan ng grupong Hamas at Israel, sinabi ng Department of Foreign Affairs nitong Lunes, Oktubre 9.
Sa report mula sa Philippine embassy in Tel Aviv, isang Pinay umano ang lumapit sa Filipino diplomats at sinabing, “she recognized her husband in one of the videos circulating in social media, which shows a man being held by armed individuals, and most likely brought to Gaza.”
“Post urgently relayed this to the Israel military authorities. Post cannot independently verify his identity based on the video alone but considers the report of the wife as important. We are also working with community contacts on his case,” sinabi pa ng DFA.
Nasa kabuuang anim na Filipino, kabilang ang isang iniulat na dinukot ng Hamas fighters, ang patuloy na hindi makontak ng pamilya nito maging ng pamahalaan.
Sa panayam, sinabi ni Anthony Mandap, Philippine embassy Deputy Chief of Mission, na ang anim ay mga overseas Filipino worker.
Kasalukuyang mayroong 30,000 Filipinos sa Israel, karamihan ay mga caregiver.
Samantala, para sa kaligtasan ay inabisuhan na muna ang mga Filipino na manatili sa loob ng bahay at sundin ang utos ng mga local authority.
Sa huling ulat ay umabot na sa 1,100 ang nasawi at libo-libo ang nasaktan sa kaguluhan sa pagitan ng Israel at Gaza matapos na biglaang lusubin ng Hamas ang Israel.