Home NATIONWIDE 1 rebelde, 10 taga-suporta tumiwalag na sa CPP-NPA sa Nueva Ecija

1 rebelde, 10 taga-suporta tumiwalag na sa CPP-NPA sa Nueva Ecija

MANILA, Philippines – Isang dating rebelde at 10 mga tagasuporta ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa Nueva Ecija ang tumiwalag na mula sa teroristang grupo upang sumuporta na sa nagpapatuloy na kapayapaan at kaunlaran ng pamahalaan.

Sa ulat nitong Miyerkules, Agosto 16, sinabi ni
Col. Richard Caballero, Nueva Ecija Police Provincial Office chief, na isang “Ka Bruno,” 52, ng Purok 7, Barangay Cambitala, Pantabangan at dating miyembro ng Militia ng Bayan ang sumuko sa mga pulis at militar nitong Martes.

Ani Caballero, 10 iba pang tagasuporta ng CPP-NPA na miyembro ng Liga ng Manggagawang Bukid, isang underground mass organization ng Alyansang Magbubukid sa Gitnang Luzon (AMGL) sa ilalim ng Kilusan ng Magsasaka ng Pilipinas (KMP), ang nagpahayag ng kanilang pagbawi ng suporta sa komunistang grupo sa kaparehong araw.

Aniya, tumulong ang pamahalaan para sa special intelligence operation na nagresulta sa pagkalas ng mga tagasuporta sa Barangay Manacsac, Guimba.

“They are now undergoing assessment documentation to avail of the government’s assistance program for returnees, the Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP),” pahayag ni Caballero.

Ayon kay Caballero, ang pagsuko ng ma ito ay dahil sa walang patid na anti-insurgency campaign ng pamahalaan.

Bunga rin ito ng patuloy na pagsisikap ng Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC).

“Insurgency had been a problem for development in some parts of Nueva Ecija province due to issues of armed conflict. We will never get tired of offering the benefits from the government for these CPP-NPA supporters who returned to the fold of the law,” dagdag pa niya. RNT/JGC

Previous articlePH Soft Tennis Team may patutunayan sa Asian Games
Next articleSenate probe, ikinasa ni Hontiveros sa pagkamatay ni Jemboy