Home METRO 1 sa 3 suspek sa pagpatay sa propesor arestado

1 sa 3 suspek sa pagpatay sa propesor arestado

NEGROS OCCIDENTAL- ARESTADO ang isa sa tatlong suspek sa pagpatay sa propesor matapos holdapin ng mga una ang huli kahapon ng madaling araw, Agosto 16 sa bayan ng Binalbagan.

Nakakulong ngayon sa Binalbagan Police Station ang suspek na kinilalang si John Rey Castino, 19-anyos at residente sa Barangay San Teodoro ng naturang bayan.

Kinilala ang biktimang si Tony Lazaga, 51, propesor ng Binalbagan Catholic College (BCC), taga Barangay Granada at nangungupahan sa Barangay 35, ng nasabing bayan.

Ayon kay Police Major Randy Babor, hepe ng Binalbagan police, bandang 3:30 AM nitong Miyerkules nang natagpuan ang bangkay ng biktima tabi ng kalsadang sakop ng Barangay San Pedro.

Sa pag-amin ng suspek sa pulisya, na-tiyempuhan nila ang bikitma na bumaba sa pampasaherong bus habang sila ay nakatambay sa isang convenience store at nag-aabang ng kanilang biktima.

Dito, sinundan nila ang biktima saka nilapitan at nagdeklara ng holdap subalit hinampas ni Lazaga ng bitbit niyang bag ang isa sa mga suspek.

Hanggang sa bumunot na ng kutsilyo ang mga suspek at pinagtulungan saksakin sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima na naging sanhi ng kamatayan nito.

Bago, tanging pera lamang ng biktima ang tinangay ng mga suspek at iniwan ang bag na naglalaman ng laptop at pati relo ni Lazaga ay hindi nila tinangay.

Sinabi ni Babor na nasa drug watchlist ang mga suspek at agad nilang inilatag ang manhunt operation na nagresulta sa pagkakadakip kay Castino habang patuloy na pinaghahanap ang dalawa pa nitong kasama.

Nahaharap ngayon sa kasong robbery with homicide laban kay Castino at dalawa pa nitong kasamahan.

Samantala, nag-alay naman ng prayer vigil ang BCC para kay Lazaga, na adviser ng Supreme Student Government (SSG) at faculty member ng naturang paaralan.

Sa panig naman ng mga kaanak ni Lazaga hindi sila naniniwala na holdap ang motibo sa naturang krimen. Mary Anne Sapico

Previous articlePagtataas sa limitasyon ng poll expenditures suportado ng Comelec
Next articleDSWD aminado, P3K food stamp ‘di sapat