Home HEALTH 1 sa 4 Pinoy sapul ng breast cancer – Asian Breast Center

1 sa 4 Pinoy sapul ng breast cancer – Asian Breast Center

MANILA, Philippines- Isa ang Pilipinas sa may pinakamataas na incidences ng breast cancer sa buong mundo.

Ayon sa ulat nitong Huwebes, mahigit 27,000 indibidwal ang na-diagnose na may breast cancer noong 2020, na nangungunang cancer sa mga Pinay pagdating sa incidence. 

Sa katunayan, sinabi ng Asian Breast Center na isa sa apat na Pilipino ang nagkakaroon ng sakit, na mas marami kumpara sa US kung saan isa sa walong kababaihan ang nagkakaroon ng breast cancer.

“Asia is one of the lowest, and yet the Philippines, which is part of Asia, has one of the highest [incidence of breast cancer] in the world,” pahayag ni Dr. Norman San Agustin, CEO ng Asian Breast Center.

Sinabi ng mga eksperto na mahalagang matukoy agad ito, dahil nagagamot ang breast cancer. Inirerekomenda nila sa mga kababaihang edad 35 taong gulang pataas na kumuha ng mammograms at regular na magsagawa ng self-examination.

Ani San Agustin, “People don’t have to die from a disease that’s so curable.”

“Ang girls natin dito, hindi nagpapa-check-up, hindi nagpapa-mammogram, hindi nila inaalagaan ang sarili nila,” pahayag ni San Agustin.

Paghikayat niya sa mga Pilipina: “Please, pakinggan ninyo ang advise, ang payo, at magpatingin po kayo. Isulat po ninyo, isaulo po ninyo, pag-aralan niyong mabuti para hindi kayo mamatay sa sakit na madaling gamutin.”

“We do advise that you examine yourself regularly,” aniya pa at sinabing nangangahulugan ang “regularly” na isang beses kada buwan. RNT/SA

Previous articleAgham Road, BIR Road sa QC tatawagin nang Sen. Miriam P. Defensor-Santiago Avenue
Next articleVatican handang mamagitan sa Israel-Hamas conflict