Isa sa bawat walong tao sa buong mundo ay may mental health condition, ayon sa pinakahuling ulat ng Global Evidence Review on Health and Migration na inilabas noong Martes.
Sa inilabas na ulat sa World Mental Health Day, ay binabalangkas ang pinakabagong pandaigdigang ebidensya sa mga kadahilanan na nakakaimpluwensya sa kalusugan ng isip ng mga refugee at migrante, pati na rin ang kanilang access sa pangangalaga.
Partikular na vulnerable ang refugees at migrante dahil lantad sila sa ibat-ibang stress factors at challenges na nakakaapekto sa kanilang mental health at kapakanan sa panahon ng kanilang mapanganib na paglalakbay at pagdating, sabi ng ulat.
“Good mental health and well-being is a right for all, including for refugees and migrants,” sabi ni Dr. Santino Severoni, na siyang namumuno sa WHO’s Department of Health and Migration.
Ang mga karaniwang sakit sa pag-iisip tulad ng depresyon, pagkabalisa at post-traumatic stress disorder (PTSD) ay mas laganap sa mga migrante at refugee kaysa sa mga host population, ani Severino.
Ayon pa sa ulat, nagsasaad aniya na ang mga kababaihan ang may mas mataas na panganib ng depresyon at pagkabalisa. Nilalayon nitong suportahan at palakasin ang health care system responses sa pangangailangan sa mental health ng mga refugee at migrante.
Sinasabi ng ulat na ang ebidensya ay nagpapakita na ang pagiging bahagi ng isang komunidad na may magkakatulad na background at pag-aaral sa paaralan ay nauugnay sa isang mas mababang antas ng mga sakit sa pag-iisip.
At sa mga pangunahing pangangailangan at seguridad, napapansin na ang isang insecure legal status ay maaaring mag-ambag sa mahinang kalusugan ng isip.
Itinatampok din ng ulat ang stigma dahil ang racism at diskriminasyon ay patuloy na nauugnay sa masamang resulta sa kalusugan ng isip.
Ayon sa ulat ng WHO tungkol sa kahirapan at trauma, ang pinalawig na detensyon, halimbawa, ay nauugnay sa mas mataas na rate ng depression at PTSD.
Pagdating sa pag-access sa serbisyo, madalas na hindi pinaprayoridad ng refugees at migrante ang kanilang .entak health dahil hindi nila alam ang mga serbisyong maaaring libre o hindi tumatanggap ng pangangalagang pangkalusugan dahil sa mga hadlang sa wika at mga alalahanin tungkol sa pagiging kumpidensyal. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)