Home METRO 1 trak na kamatis dinispatsa sa bakanteng lote sa N. Vizcaya

1 trak na kamatis dinispatsa sa bakanteng lote sa N. Vizcaya

MANILA, Philippines- Itinapon ang isang truck ng kamatis sa isang bakanteng lote sa Nueva Vizcaya.

Ayon sa ulat, sinabi ng trader na malapit nang mabulok ang mga ito at mahirap nang ibenta kahit na sa mababang farmgate price na P6 hanggang P7.

Sinabi ng Municipal Agriculture Office ng Bambang na sa kasalukuyan ay maraming suplay ng kamatis.

Ayon naman sa SINAG, walang oversupply at sadyang mabilis lamang mabulok ang pananim na ito.

Ibinebenta ang kilo ng kamatis sa presyong P20 hanggang P26 sa Dagupan City mula sa nakaraang P80 hanggang P100. RNT/SA

Previous articleSuspek sa pananaksak na ikinasawi ng Filipino-German tourist kinasuhan
Next articleEx-kagawad nalambat sa buy-bust ops