Home METRO 1 tusta sa sunog sa Malabon

1 tusta sa sunog sa Malabon

MANILA, Philippines – Isa ang patay sa sunog na tumama sa isang residential area sa Barangay Tugatog, Malabon City nitong Miyerkules ng umaga.

Sinabi ng Bureau of Fire Protection (BFP) na alas-7:06 ng umaga nang sumiklab ang sunog at umabot sa ikalawang alarma alas-7:16 ng umaga.

Ayon sa ulat, nasa dalawa hanggang tatlong bahay ang naapektuhan ng sunog.

Idineklarang fire out ang sunog alas-8:12 ng umaga. RNT

Previous articleOplan Baklas ng Comelec, iligal – SC
Next articleDiskusyon sa Divorce Bill mainit sa Kamara