MANILA, Philippines – Apektado ang 10 tirahan sa sunog na sumiklab sa Sitio Militar, Barangay Bahay Toro, Quezon City nitong Sabado, Nobyembre 18.
Ayon sa ulat, nagsimula ang sunog bandang 1:22 ng hapon at itinaas sa ikalawang alarma pagsapit ng 1:27 p.m.
Ang sunog ay sumiklab sa likod lamang ng Quezon City General Hospital, ngunit siniguro ni Quezon City Fire Marshall Fire Senior Superintendent Flor-Ian Guerrero na hindi naapektuhan ng sunog ang naturang ospital.
Idineklarang fire-out ang sunog bandang 2:38 ng hapon.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa pinsala at dahilan ng sunog. RNT/JGC