Home METRO 10 nasagip sa distressed boat sa Romblon 

10 nasagip sa distressed boat sa Romblon 

LUCENA CITY- Sampung indibidwal ang nasagip matapos magkaaberya ang makina ng kanilang bangka at magpalutang-lutang sa dagat sa Romblon nitong Huwebes.

Ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG)-District Southern Tagalog nitong Biyernes, tinawagan ng skipper ng motorized boat “Jedidiah 2” ang PCG station sa bayan ng Looc na nagkaaberya ang kanilang vessel sakay ang siyam na pasahero sa katubigan ng Barangay Agojo dakong alas-3:40 ng hapon.

Kasama ang local sea wardens, rumesponde ang PCG personnel sa site at iniligtas ang mga sakay ng bangka, na kapwa nasa maayos na kondisyon.

Dinala ang mga nasagip na pasahero sa Looc Port.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, napansin ng boat operator na sira ang propeller shaft ng bangka, dahilan upang maantala ang paglalayag. RNT/SA

Previous articleSwiss firms interesadong mamuhunan sa Pinas – foreign minister
Next articleEMBO barangays libreng lumahok sa Lingkod Bayan Caravan ng Makati