BACOLOD CITY – LIMANG miyembro ng New People’s Army (NPA) ang muling nadagdag sa mga nasawi ng muling makasagupa ang tropa ng pamahalaan kahapon habang lima naman ang namatay sa naganap na sagupaan noong Sabado sa isla ng Negros.
Ayon sa 62nd Infanty Battalion, umaga ng Linggo nakasagupa ng militar ang mga kasapi ng NPA sa Sitio Cambawgon, Barangay Trinidad, Guihulngan, Negros Oriental na ikinasawi ng apat na rebelde at tumagal ng 20 minuto ang palitan ng putok.
Pagsapit naman ng 3:00 PM, isang kasapi naman ng 3rd Platoon ng Southwest Front-NPA ang napatay nang makasagupa ang 15th Infantry Battalion sa gitna ng ginagawang Mobile Community Support Sustainment Operation sa Sitio Bajay, Barangay Caliling, bayan ng Cauayan at dalawa sa mga ito ang sumuko.
Habang noong Sabado Mayo 20, lima ang napatay na NPA sa Sitio Napulian kag Sitio Oway Oway, Barangay Quintin Remo, Moises Padilla .
Sa ngayon hindi pa makumpirma ng militar ang tunay na pagkakakilanlan ng mga nasawi na rebelde.
Matapos ang sagupaan narekober sa pinangyarihan ng engkwentro ang matatas na kalibre na armas, mga bomba , mga mateeryales pang giyera at personal na kagamitan.
Nanawagan naman ang 62nd IB am ga rebelde na sumuko na sa pamahalaan lalo na ang mga sugatan na nakatakas matapos madala pa sila sa ospital ay mabigyan ng tamang lunas.
Nangako rin ang tropa ng pamahalaan hindi sila titigil na tugisin ang bandidong grupo para makamit ang kapayapaan. Mary Anne Sapico