Home HEALTH 10 patay, 789 COVID cases naitala sa nakalipas na 1 linggo

10 patay, 789 COVID cases naitala sa nakalipas na 1 linggo

MANILA, Philippines – Bumaba ng 15 porsyiento ang average ng mga bagong kaso kada araw na naitala mula Agosto 14 hanggang 20 na mayroon lamang 789 kumpara sa mga kaso noong Agosto 7 hanggang 13.

Sa mga bagong kaso, 11 sa mga ito ang may malubha at kritikal na maramdaman. Samantala, mayroon namang naitalang 10 na pumanaw na naganap noong Agosto 7 hanggang 20.

Noong Agosto 20, 2023, mayroong 242 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19, ayon sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH).

Sa 1,636 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 180 (11.0%) ang okupado. Nasa 1,971(13.5%) ng 14,649 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.

Samantala, higit sa 78 milyong indibidwal o 100.44% ng ating target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 23 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots.

Sa kabilang banda, 7.1 milyong senior citizens o 82.16% ng ating target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePCG: Resupply mission sa Ayungin matagumpay!
Next article55,000 dagsa sa mga pantala sa balik-eskwela