Home METRO 10 timbog sa P9.4M shabu, marijuana

10 timbog sa P9.4M shabu, marijuana

LA TRINIDAD, Benguet – Nasamsam ng Police Regional Office-Cordillera ang hinihinalang shabu at marijuana na nagkakahalaga ng kabuuang P9.4 milyon sa anti-illegal drug operations mula Pebrero 18 hanggang 24.

Sampung hinihinalang tulak ng droga ang naaresto at nasamsam sa kanila ang 11.04 gramo ng shabu na may kabuuang standard na presyo ng droga na P75,075.

Walo ang nahuli ng Kalinga Police Provincial Office at tig-isa ng Baguio City Police Office at Benguet PPO.

Tatlong suspek ay mga high-value na indibidwal at pito ay mga indibidwal sa antas ng kalye.

Nadiskubre sa Benguet at Kalinga ang 1,560 fully grown na marijuana, 46,000 gramo ng tuyong dahon ng marijuana, at 6,000 tangkay ng marijuana na nagkakahalaga ng P9,351,997.

Ang mga ito ay sinunog matapos ang dokumentasyon at mga follow-up na operasyon ay isinasagawa upang makilala ang kanilang mga nagsasaka.

Patuloy na nagsasagawa ng barangay visitation at information operations ang pulisya hinggil sa anti-illegal drugs campaign ng gobyerno. Santi Celario

Previous articleP11M droga nasabat sa bigtime tulak sa Cebu
Next articleGrupo na sisiyasat sa cyanide fishing sa Masinloc binuo ng BFAR