Sampung Chinese national at tatlong Pilipino ang inaresto sa ikinasang anti-illegal gambling operations ng mga tauhan ng District Special Operation Unit ng Southern Police District (DSOU-SPD) Lunes ng gabi (Setyembre 4) sa ParaƱaque City.
Kinilala ni SPD director P/Brig. Gen. Roderick Mariano ang mga inarestong susoek na sina Gong, Zhao Wei, 34; Long, Junfei, 33; Tang, Xiaoxang, 29; Dong, Jian Hua, 27; Zhao, Zheng, 26; Li, Xin, 35; Tan, Yucheng, 31; Chen, Guo Dong, 28; Yu, Shuai, 37; Han, Xu, 33 and Yue, Xiao Lu, 27; pawang mga Chinese nationals at ang tatlong Pinoy na sina Salman Ali, 28; Jonathan TaƱedo, 43; at Anna Silverio, 22.
Base sa report na natanggap ni Mariano, nagging matagumpay ang inilatag na operasyon ng mga tauhan ng DSOU-SPD na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek dakong alas 9:30 ng gabi sa isang recreational hub na matatagpuan sa Bayview Drive, Tambo, ParaƱaque City.
Sa isinagawang operasyon ng DSOU sa pakikipagkoordinasyon sa Tambo police Substation ay nakarekober ang mga operatiba ng tatlong table gaming machines, 170 piraso ng token, counting machine, tatlong bundle ng perang may ibaāt-ibang denominasyon na nagkakahalaga ng ā±27,000, isang .9mm caliber Rock Island M1911 A1-FS na kargado ng magazine na may lamang apat na bala.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree (P.D.) 1602 o illegal gambling ang mga suspects habang karagadagang kaso naman na paglabag sa Batasang Pambansa (B.P.) 881 ng Omnibus Election Code ang isasampa laban kay Ali.
Ayon kay Mariano, pananatilihin ng SPD ang pagpapatupad ng batas at kaayusan sa mga komunidad, pagbabantay ng segurridad ng mga mamamayan gayundin ang pananatili ng prinsipyo ng hustisya.
āWe will continue to work tirelessly to eliminate illegal gambling activities and ensure a safer environment for all, regardless of their nationality,ā ani pa Mariano. (James I. Catapusan)