MANILA, Philippines- Arestado ng mga miyembro ng District Special Operation Unit ng Southern Police District (DSOU-SPD) ang 10 Tsino at kasabwat na Pinay kung saan naisalba sa ikinasang rescue operation ang pitong biktima ng human trafficking nitong nakaraang Sabado (Setyembre 16) sa ParaƱaque City.
Kinilala ng SPD ang mga nadakip na mga suspek na sina Lin Shengjie na kinilalang si alyas “Boss Lin o Lin Wei”, 32; Weichao, 30; Liulizhang; Honghualiang; Luyzhenggang; Zhangmingpeng, 25; Pengke, 27; Dengchaofan, 30; Cai Deqiang, 34; Chujunyi, 42; at ang kassabawat na Pinay na si Arlene Lapurga Geron, 48, habang isa pang Tsino na kinilalang si Xiao Ji alyas “Boss Kee” ay nananatiling nakalalaya.
Base sa report ng SPD, nagsagawa ng rescue operation ang mga tauhan ng DSOU dakong alas-5:30 ng hapon kung saan nailigtas ang pitong umanoāy biktima ng human trafficking na nakadetine sa Unit 1811, 18th Floor ng SoleMare Park suites, Barangay Baclaran, ParaƱaque City.
Naging matagumpay ang rescue operation bunsod ng inisyung search warrant ni ParaƱaque City Regional Trial Court (RTC) Executive Judge Jaime Guray dahil sa paglabag sa Republic Act RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).
Sa naturang operasyon ay nakumpiska sa posesyon ng mga suspek ang isang shooter dessert storm .45-caliber pistol na may magazine na kargado ng limang bala; isang low carry pistol belt color desert cammo; isang Rock Island Armory .45-caliber pistol na may 3 magazines at 16 bala; isang itim na rifle bag; dalawang M16 rifle black magazines; at 50 bala ng M16.
Nakarekober din ang mga operatiba ng dalawang puting digital counting machines; 2 gray MacBooks; black envelope; itim na bag na may nakasulat ng ibaāt ibang sex paraphernalia; isang kahon na naglalaman ng 13 bracelets; tatlong black radios; charger; 4,600 piraso ng P1,000 na may kabuuang halaga na P4,600,000; 20 piraso ng peso bills na may ibaāt ibang denominasyon; 270 ibaāt ibang foreign currencies; at purple iPhone 14 ProMax.
Nahaharap ang mga suspek na sina Lin Shengjie at Xiao Ji ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 at RA 9208 o Anti-Trafficking In Persons Act of 2003 habang ang iba pang nadakip na suspek ay nahaharap din sa kasong RA 9208 o ang Anti-Trafficking In Persons Act of 2003. James I. Catapusan